Ang website na ito ay tungkol sa aking pamumuhay dito sa aking pinakamamahal na probinsya, ang Capiz. Bagamat hindi ako isinilang sa lupang ito, marami akong mababahagi mula sa dalawangput tatlong taon kong pag tira dito at sapat na kaalaman kung ano ang katangian meron ang probinsyang ito halintulad mula sa aking pinagmulan na lungsod.

Naisipan kong hatiin ang mga latha ko dito mula sa ibat ibang topiko tulad ng mga magagandang tanawin o travel, mga masasarap ng pagkain o food, mga balita o news, pangkabuhayan o business, events, entertainment, at marami pang iba. Ito iyong mga tipikal na bagay na umiikot sa buhay ko araw araw. Ang blog na ito personal sa akin. Mga bagay na gusto kong ibahagi sa mundo at higit sa lahat sa mga taong kaugnay ng buhay ko, ang aking asawa at ang dalawa kong anak. Ibig kong mabasa nila sa hinaharap ang aking mga karanasan at aral sa buhay.

Kung tutuusin wala namang special sa blog na ito, wala naman akong aral sa literatura o pag sulat. Siguro mahilig lang talaga akong mag kwento at mag bigay aral. Lagi ko ngang naririnig sa kaibigan ko, “matalino ang natutuo sa sariling pag kakamali, ngunit mas mainam ang matuto sa pagkakamali ng iba.” At gusto kong maibahagi iyon sa mga taong naniniwala sa akin, sa mga taong special sa akin.

O bakit blog at hindi vlog? Tama at marami ng vlogger ngayon, halos lahat ng sulok meron nag vivideo, nag cocontent. Sa akin kasi meron na akong karasanan sa pag bo-blog, 17 years ago. Wala pang mga vlogger nun, blogger na kami ni misis. Nabasa ako nga sa birth certificate ng panganay ko, sa occupation – blogger. Isa pa, mahiyain akong maituturing at hindi ako sanay sa camera. Hindi ako para sa ganyan. Mas madali para sa mga viewer kumuha ng impormasyon sa video pero sabi ko nga, personal itong project na ito sa akin, at para lang ito sa mga taong nais mag bigay ng atensyon mag basa. Sa dami ng distraction ng entertainment sa internet, ginto ang mga taong mag bibigay oras sa akin upang basahin ang aking katha. At mas pipiliin ko ang mga taong yaon, dahil isinulat ko naman talaga ito para sa kanila.

Bakit Capiz.ph at hindi earvinkyleamacan.com tutal personal naman na blog? Para sa akin masyadong tunog narsisistiko. Given na lahat ng mababasa rito at patungkol sa akin, at ayaw kong maumay ang mga tao doon, kaya naisip ko na sa halip na ako ako ako, tatakbo ang kwento sa Capiz. At kung bakit tungkol naman dito ay sa kadahilanang marami akong mababahagi na talaga namang ipinagmamalaki ko. Minsan narin kasi akong na bully dahil nga bisaya ako, ang tatay ko nag mula sa Capiz, aswang, bisakol, negro at marami pa, na noon ay itinuturing kong masasakit na salita subalit ngayon, taas noo ako, at bitbit ko bayag ko na isa akong ayasib. Marami akong maibabahagi mula sa aking karanasan bilang pagiging bisaya sa lugar ng mga tagalog at pagiging tagalog sa lugar ng mga bisaya. Mababasa nyo iyan sa aking mga latha sa hinaharap.

Sa talaga lang, ito nga ang kapanapanabik dahil nakatapak kayo sa pintuan ng utak ng isang kalahating bisaya at kalahating tagalog. Marahil ito ang pinagkaiba ko sa mga vlogger na naka base dito sa amin kung kayat hindi ito tulad ng mga napanood nyo ng mga vlogger na nag cocontent sa mga tourist spot dito sa Capiz o mga vlogger na nag papa hunt ng pera. O iyong mga tumutulong sa harap ng camera.

Maligayang pag dating at sana maibigan mo ang aking paglalakbay.

-Earvin Kyle Tupas Amacan